Ni Beth Camia at Jun Fabon

Pormal nang itinalaga ni Pangulong Duterte si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff retired Gen. Eduardo Año bilang bagong officer-in-charge ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Gen. Año copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Matatandaang sa pagreretiro ni Año noong nakaarang taon ay inihayag ni Pangulong Duterte ang pagtatalaga niya sa heneral para pamunuan ang DILG.

Mananatiling undersecretary at officer-in-charge lang muna si Año sa DILG hanggang hindi nakalilipas ang isang taon simula nang magretiro ito sa serbisyo.

Pirmado na ng Pangulo ang appointment paper ni Año nitong Huwebes.

Samantala, itinalaga naman ni Pangulong Duterte si DILG officer-in-charge Catalino Cuy bilang chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Pinalitan ni Cuy si dating DDB Chairman Dionisio Santiago, na sinibak ng Presidente dahil sa komento nito laban sa mega-drug rehabilitation facility sa Nueva Ecija.

Huwebes din nilagdaan ng Pangulo ang appointment paper ni Cuy.