Ni Orly L. Barcala

Sinasabing nagsaksak sa sariling tiyan ang isang 21-anyos na babae nang makasagutan ang kanyang live-in partner sa Valenzuela City, nitong Martes.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Valenzuela City Medical Center (VCMC) si Jisell Belan, ng Block 10, Lot 19, Compound 1, Sitio Kabatuhan ng nasabing lungsod, bandang 9:00 ng umaga.

Base sa medical records ng biktima, nagtamo ito ng malalim na saksak sa tiyan na tumagos sa kanyang atay at lapay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa imbestigasyon ni PO3 Roberto Medrano, Jr., inalok ni Shaoline Buncad ang live-in partner na si Belan na kumain.

“Parang tumanggi daw ‘yung babae kasi busog pa, tapos bumaba sa second floor ng bahay para istimahin ang mga bisitang kamag-anak,” ani PO3 Medrano.

Nang makitang kasalo ni Belan ang mga kamag-anak ay nasabi niya: “Akala ko ba busog ka?”

Nagalit si Belan, umakyat sa kuwarto kasunod ang suspek at nagsaksak sa sariling tiyan.