Nananatiling sarado ang Russia para sa Filipino household service workers (HSW) o kasambahay, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
“There is no visa-category in Russia for household service workers,” paglilinaw ng POEA sa Advisory 17, series of 2017.
Inilabas ng POEA ang babala matapos makatanggap ng mga balita na dumarami ang mga Pinoy kasambahay na ilegal na kinakalap para magtatrabaho sa Russia.
Binanggit nito ang ulat mula sa Philippine Embassy sa Athens, Greece, sinabi ng POEA na maraming Pinoy kasambahay sa Greece, Cyprus, Hong Kong, Singapore at Middle East ang nabiktima na ng scam.
Dahil walang valid work visa, ang mga nalokong Filipino HSWs ay ipinadadala sa Russia gamit ang tourists at commercial visas. Ilegal ang gawaing ito sa ilalim ng batas ng Russia at maaaring arestuhin ang Pinoy kasambahay pagdating sa Russia.
“Improperly documented workers are subject to detention, fines and deportation,” babala ng POEA. - Samuel P. Medenilla