Dumoble ang bilang ng firecracker-related injuries sa bansa matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon, base sa huling datos mula sa Department of Health (DoH).

Ayon sa Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report No. 12, umabot sa 362 firecracker-related injuries ang naitala simula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21, 2017 hanggang 6:00 ng umaga ng Enero 2, 2018.

Ito ay nangangahulugan na ang kabuuang 171 kaso ay idinagdag sa 191 sugatan na iniulat mula Disyembre 21, 2017 hanggang Enero 1, 2018.

Gayunman, sinabi ng DoH na mas mababa pa rin ito kumpara sa naitala nitong nakaraang taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This is 473 cases [or 57 percent] lower than the five-year average (2012 to 2016) and 242 cases [or 40 percent] lower than the same time period last year,” ayon sa DoH.

Nitong Enero, naitala ng DoH ang 68 porsiyentong bawas sa bilang ng naputukan, na pinakamababa rin sa kasaysayan, mahigit 50% ang nabawas dahil sa firecracker ban na sinimulan bago ang monitoring sa mga nasugatan.

Dahil sa kumaunting bilang ng kaso, pinasalamatan ni Health Secretary Francisco Duque III si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakapasa ng Executive Order No. 28 o ang firecrackers ban. - Charina Clarisse L. Echaluce