Arestado ang isang assistant dentist na umano’y nanutok at nagpaputok ng baril sa tapat ng isang lalaki na may kargang sanggol sa Malabon City, nitong bisperas ng Bagong Taon.

Kinilala ni Police Officer 1 Julius Mabasa, imbestigador, ang suspek na si Jeric Busto, 48, ng Barangay Potrero, Malabon City.

Iniulat na lasing siya nang mangyari ang insidente.

May buhat na sanggol si Danilo Ramos, 36, welder, nang kumprontahin niya si Busto sa umano’y pamamaril ng apat na beses sa kahabaan ng Orange Road, dakong 1:50 ng madaling araw.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dito na umano tinutukan ng baril ni Busto si Ramos at muling nagpaputok ng baril sa ibang direksiyon.

Ligtas si Ramos at ang sanggol, ayon sa pulis.

Dinakma ng mga rumespondeng pulis si Busto at narekober ang isang basyo ng bala ng hindi batid na kalibre ng baril.

Nakatakdang kasuhan si Busto na kasalukuyang nakakulong sa Malabon City police. - Kate Javier