James Harden (Rob Carr / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)
James Harden (Rob Carr / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)

HOUSTON (AP) – Kulang sa sangkap ang Houston Rockets, sa pagkawala ni James Harden na may inindang hamstring strain kung kaya’t inaasahang mahina ang sambulat ng Rockets sa mga susunod na laro.

Tangan ang averaged NBA-best 32.1 puntos kada laro, dalawang linggo na ipapahinga ng Houston si Harden. Natamo niya ang injury nang umiskor sa layup sa fourth period bago nagwagi ang Rockets sa double overtime nitong Linggo.

Pag-aaralanan ng team staff ang posibilidad na magbalik laro si Harden matapos ang re-evaluation sa kondisyon ng kanyang injury. Nakabalik man ang na-injured din na si Chris Paul at Clint Capela, dagok sa Rockets ang pagka-sidelined ni Harden.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Target ng Rockets (26-9) na makadikit sa nangungunang Golden State Warriors (29-8) sa Western Conference.