Prisoners, back, try to contact relatives after a rebellion at the Colonia Agroindustrial prison in the Aparecida de Goiania Complex, in the state of Goias, Brazil, Monday, Jan. 1, 2018. Inmates from rival gangs battled at the prison Monday, leaving several dead and more than a dozen injured, authorities told the Brazilian news site G1. (Claudio Reis/O Popular via AP)

SAO PAULO (AP) – Nagsagupaan ng mga preso mula sa magkakaribal na gang sa kulungan sa Goaias state nitong Lunes, na ikinamatay ng siyam at ikinasugat ng 14, sinabi ng mga awtoridad sa Brazilian news site na G1.

Ayon sa mga opisyal, sumiklab ang karahasan sa Colonia Agroindustrial prison sa Aparecida de Goiania Complex nang inukopa ng mga preso mula sa isang selda ang tatlo pang selda na tinutulugan ng mga preso mula mga karibal na gang. Sinilaban ng mga umaatake ang mga kutson nang pumasok sila sa katabing corridors at sinunog ang bangkay ng mga namatay. Naapula na ang sunog.

Iniulat ng local media na 106 na preso ang nakatakas sa kaguluhan, at 29 ang nahuli ng mga pulis. Nakatakas ang 127 iba pa ngunit boluntaryo ring bumalik.
Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national