CUYAPO, Nueva Ecija – Nakorner ng nagsanib-puwersang Asingan Police at Cuyapo Police sa Barangay Nagmishan sa Cuyapo, Nueva Ecija ang 36-anyos na lalaki na matagal nang tinutugis.

Kinilala ang suspek na si Pedro Quentero Jr., y Purisima, binata, farm helper, tubong Bgy. Carusuan Norte, Asingan, Pangasinan.

Dinakma nitong Huwebes ang suspek sa bisa ng arrest warrant para sa kasong qualified theft.

Base sa record ng pulisya, halos walong taong nagtago si Purisima bago naaresto. - Light A. Nolasco

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito