Ni BRIAN YALUNG

Chris Gavina  (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Chris Gavina (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
NAKATAKDANG mawala ang prangkisa ng KIA at wala na rin ang kanilang head coach bago pa man maisulong ang napapabalitang pagbili ng Phoenix sa Kia Motors.

Nagbitiw kahapon bilang coach ng KIA si Chris Gavina. Tangan ng koponan ang 0-2 karta sa kasalukuyang PBA Philippine Cup.

Nakatakdang pumalit sa kanya si Ricky Dandan, beterano sa collegiate league at kasalukuyang assistant coach ni Bo Perasol sa UP Fighting Maroons.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ibinigay na dahilan ng 38-anyos na si Gavina sa kanyang pagbibitiw ang kanyang negosyo na Impak Power Drink. Nagtapos siya ng chemical biology at dating nagtrabaho sa L’Oreal bilang formulation chemist sa New Jersey.

“Impakt power drink is formulated to help active people. It has joint supplements in it,” sambit ni Gavina sa naunang panayam ng MB Online. “It is a lot greater substitute for this high caffeine, high sugar energy counterparts.”

Sa naturang panayam, ang naturang power drink ay nasa proseso pa nang pagsusuri ng FDA. Sa kabila nito, nabibili na ang Impakt sa piling tindahan tulad ng Elorde Gyms, Ultimate Fitness, at Iron Den.

Si Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen ang brand endorser ng Impakt Power Drink. Ayon kay Gavina, napili niya ang veteran guard dahil sa matikas nitong dating sa mga players.

Wala pang balita kung lilipat siya ng ibang koponan sa PBA o magco-coach sa collegiate league. Nagsimula siya sa PBA noong 2012 bilang strength and conditioning coach ng GlobalPort Batang Pier bago naging coach ng Mahindra Enforcers/ Kia Picanto.