Binigyan ng Supreme Court (SC) ang Kamara sa pamumuno ni Speaker Pantaleon Alvarez ng 10 araw para sumagot o magkomento sa petisyon ng mga mambabatas ng oposisyon na ipatigil ng SC ang martial law extension ng isang taon o hanggang sa Disyembre 31, 2018
Bukod kay Alvarez, inatasan din ng SC sina Senate President Koko Pimentel, Executive Secretary Salvador Medialdea, Defense Sec. Delfin Lorenzana, Budget Sec. Benjamin Diokno, AFP chief of staff Gen. Rey Leonardo Guerrero, at Solicitor General Jose Calida.
Hinihiling ng mga petitioner sa SC na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction sa ML extension.
Kasama ni Albay Representative Edcel Lagman na naghain ng petisyon sa SC sina Reps. Edgar Erice, Teddy Brawner, Emmanuel Billones, Gary Alejano, at Tom Villarin.
Sa kanilang petisyon, iginiit ng grupo na walang “sufficient factual basis for the extension of martial law because there was no actual rebellion or invasion.” - Bert De Guzman