Ni Argyll Cyrus Geducos at Beth Camia

Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act (RA) No. 10966, na nagdedeklara sa Disyembre 8 ng bawat taon bilang special non-working holiday sa buong bansa.

Isinabatas niya ito nitong Disyembre 23, 2017; ilang araw matapos itong ipasa ng Senado noong Disyembre 11 at ilang buwan matapos ipasa ng Kamara noong Mayo 2, 2017.

“December 8 of every year is hereby declared a special nonworking holiday in the entire country to commemorate the Feast of the Immaculate Conception of Mary, the Principal Patroness of the Philippines,” saad sa bagong batas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ito ay magiging epektibo 15 araw matapos ilathala sa Official Gazette o sa isang diyaryo ng general circulation.

Sa Kamara, ito ay inendorso ni House Majority leader Rodolfo Fariñas.

Ang Feast of the Immaculate Conception ay holy day of obligation para sa mga Katoliko. Isa ito sa tatlong holy days of obligation na idineklara ng Simbahang Katoliko na dapat dumalo sa misa ang mga mananampalataya.

Ang iba pang days of obligations ay ang Bagong Taon at ang Pasko.

Base sa pag-aaral ng Simbahan, ang Immaculate Conception ay ang pagsibol ng Blessed Virgin Mary sa sinapupunan ng kanyang ina, si St. Anne, pinalaya sa kanyang kasalanan sa pagnanais ng Diyos gaya ng pagpili kay Maria bilang ina ng Panginoong Hesukristo.

Bukod sa ‘Pinas, kapistahan din ang Disyembre 8 sa Argentina, Brazil, Korea, Nicaragua, Paraguay, Spain, Amerika, at Uruguay.