Ni BELLA GAMOTEA

Patay ang isang lalaki matapos umanong tumalon sa isang condominium unit sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Gerardo Umayao, hepe ng Makati City Police, ang biktima na si Risaan V. Alaroso, nasa hustong gulang, helper ng Megacity and General Construction and Development Corporation.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), nakatanggap ng tawag ang Tactical Operation Center ng Makati Police kaugnay ng insidente sa PB COM Tower, sa panulukan ng Ayala at Rufino Street, Salcedo Village, Barangay Bel Air ng lungsod, bandang 9:06 ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa inisyal na pagsisiyasat, nahulog ang biktima sa concrete pavement ng nasabing condominium at sinasabing nagmula sa ikaapat o ikalimang palapag ng umano’y parking area ng PB COM.

Patuloy pang inaalam nina SPO1 Villaranda at PO2 Garcia, ng Homicide Section ng pulisya, kung nagpakamatay o aksidenteng nahulog ang biktima sa lugar.