Ni Nitz Miralles

ISA sa mga natuwa sa paglaya ni Mark Anthony Fernandez sa kulungan si Claudine Barretto.

Nag-post si Claudine ng, “Im so so happy Mark Anthony Fernandez is finally home!!!” na sinundan ng #GODISGOOD #THANKYOULORD.”

cLAUDINE copy

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Natuwa ang mga nakabasa sa post ni Claudine at nagulat kami na marami pa rin pala ang fans ng dating love team nila ni Mark noon, pati ang real relationship nila, marami ang nag-ship. Gaya ni Claudine, umaasa ang fans na mabibigyan ng panibagong pagkakataon sa buhay at career si Mark.

May nakakita kay Mark na nag-malling sa SM BF pagkaraang makalaya at magandang senyales ito, na ibinabalik niya ang dati niyang buhay.

Nabasa rin namin na nagpapa-blow out si Mark kay Joey Marquez na former stepdad niya at ang sagot ni Joey, kahit saan gusto ni Mark, doon sila pupunta.