Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Bagamat nananatiling kakaunti ang naitatalang firecracker-related injuries kumpara noong nakaraang taon, dalawa pang kaso ng amputation ang nadagdag sa listahan, ayon sa Department of Health (DoH).

Isang araw matapos ang Pasko, iniulat sa “Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 Report No. 5” na isang 12-anyos na lalaki at isang 62-anyos na lalaki ang naputulan ng kamay dahil sa paputok.

“A 12-year-old male from Talisay City, Negros Occidental and managed at Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital. He was an active user and sustained lacerated wound, traumatic amputation, and abraision secondary to whistle bomb,” saad sa report ng DoH.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

“A 62-year-old male from Quezon City managed at East Avenue Medical Center. He was an active user and sustained blast injury resulting to traumatic amputation,” dagdag pa.

Sa kabuuan, tatlo na ang naputulan ng kamay dahil sa paputok. Ang una ay isang 29-anyos na lalaki mula sa Basista, Pangasinan.

Sa nabanggit na report ay nakapagtala ng kabuuang 29 firecracker-related injuries simula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 6:00 ng umaga ng Disyembre 26.

“This is 81 cases [or 74 percent] lower than the five-year average and 42 cases [or 59 percent] lower than the same time period last year,” anang DoH.