Ni Aaron Recuenco at Bella Gamotea

Nagsimula nang makipagtulungan ang National Capital Region Police (NCRPO) sa local government units sa pagtatalaga ng mga firecracker zone sa Metro Manila para sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, ito ay upang mabawasan ang bilang ng mga napuputukan sa pagsalubong sa Bagong Taon—na ang pagbibilang ay karaniwang ginagawa matapos ang pagdiriwang.

“We are relentlessly working with the local government units (LGUs) and other partner government agencies particularly in designated area for fireworks,” ani Albayalde.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“We will continue intensify police visibility especially this coming New Year celebration. We will even double our effort to maintain peace and order as we also aim for zero-indiscriminate firing, this is a no-no for our personnel, anyone who violates will be dealt with accordingly,” dagdag niya.

Ngunit kahapon, isa ang iniulat na sugatan nang dahil sa indiscriminate firing. Ito ay base sa daily monitoring ng pulisya sa seguridad ng buong bansa para sa pagdiriwang ng Pasko.

Dalawang pulis na rin ang inaresto sa Metro Manila dahil sa indiscriminate firing, sina PO1 Arnold Sabili, ng Montalban Police sa Rizal; at PO1 Marbin Jay Pagulayan, ng Manila Police District-Station 10.

Samantala, inilabas kahapon ng Southern Police District (SPD) ang firecracker zones sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Supt. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office ng SPD, nagtakda ang Pasay City ng firecracker zones para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Kabilang rito ang Barangay 2 Recreation Area, FB Harrison na sakop ng Police Community Precinct (PCP) 1; Bgy. 43, basketball court-PCP 2; Tramo Dimasalang at Vergel Street-PCP5; basketball courts ng Bgys. 190 at 187-PCP6; Fernando Street, malapit sa Buendia Avenue-PCP3; Cuenca St., malapit sa basketball court, Apelo Cruz harapan ng T Paez Elemetary School-PCP4; Bgy. 184 open lot KIA Motors-PCP8; Bgy. 195 Multipurpose Plaza-PCP9; Bgy. 201 plaza-PCP10; at San Miguel Bay, Mall of Asia-PCP12.

Wala pang designated areas sa Makati at Parañaque, habang umiiral naman ang total ban ng paputok sa Las Piñas, Muntinlupa, Taguig, at Pateros.