Ni Yas Ocampo, Roy Mabasa, at Mina Navarro

Natukoy na ng medical staff at mga kawani ng pamahalaan ang siyam sa 37 bangkay ng call center agents na natagpuan sa natupok na bahagi ng NCCC Mall makalipas ang ilang oras ng testing at identification procedures sa mga kaanak nito, ayon sa mga social worker.

President Rodrigo Roa Duterte visits the remains of the victims who have died in the recent fire incident at the New City Commercial Center (NCCC) Mall Davao after their bodies where taken to the Southern Philippines Medical Center (SPMC) on December 25, 2017. Also in the photo are Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go and SPMC Chief Dr. Leopoldo Vega. ALBERT ALCAIN/PRESIDENTIAL PHOTO
President Rodrigo Roa Duterte visits the remains of the victims who have died in the recent fire incident at the New City Commercial Center (NCCC) Mall Davao after their bodies where taken to the Southern Philippines Medical Center (SPMC) on December 25, 2017. Also in the photo are Special Assistant to the President Christopher Lawrence Go and SPMC Chief Dr. Leopoldo Vega. ALBERT ALCAIN/PRESIDENTIAL PHOTO

Hinihintay na lang ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang permiso para isapubliko ang mga pangalan ng mga bangkay na nakilala na.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Bagamat karamihan sa mga biktima ay taga-Davao City, ang ilan sa kanila ay taga-Lucena pa, habang ang iba pa ay nagmula sa mga kalapit na bayan ng Tagum at Panabo sa Davao del Norte, at Digos City, Davao del Sur, at isa ang tubong Mawab, Compostela Valley.

Natukoy na rin ang pagkakakilanlan ng unang bangkay na natagpuan sa ikalawang palapag ng mall nitong Linggo.

Muli namang nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Duterte sa mga pamilyang namatay sa sunog, kasabay ng pagtiyak sa mga ito na ang “truth will come out” sa imbestigasyon.

“What I assured them is that truth will—let the truth come out. ‘Yan lang naman ang ano nila, eh. Totoo lang, ano nangyari,” sinabi ng Pangulo nang kapanayamin ng mga mamamahayag sa Davao City nitong Lunes ng gabi.

Nag-alok na mga pamilya ng mga biktima na tutulong ang gobyerno sa mga gastusin sa libing, iminungkahi rin ni Duterte sa mga ito na i-cremate na lang ang mga bangkay, dahil ito ang “cleanest and most expedient way of doing things.”

Samantala, iginiit naman ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na pinatunayan ng insidente na hindi ginagampanan ng Department of Labor and Employment (DoLE) at ng mga employer ang tungkulin ng mga ito na tumalima sa labor laws.

“Had there been a routine and objective workplace DoLE inspection of the mall, this deaths-causing fire could have been minimized to the barest damage to property. Due to DoLE officials’ negligence, workers’ lives is sacrificed, again this time at the cost of the 37 workers trapped to their deaths,” sabi ni Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP.