Pope Francis waves from the balcony of St Peter's Basilica during the traditional

Muling ipinagtanggol ni Pope Francis ang mga immigrant sa kanyang Christmas Eve Mass nitong Linggo, at ikinumpara ang mga ito kina Birheng Maria at San Jose na naghanap ng lugar na matitigilan sa Bethlehem, at sinabing kasabay ng pananampalataya sa Diyos ay dapat na tanggapin ang mga dayuhan.

Ang pagbasa sa misa sa St. Peter’s Basilica ay nagpaalala sa kuwento sa Bibliya kung paano kinailangang maglakbay nina Maria at Jose mula sa Nazareth papunta sa Bethlehem, upang makarehistro sa census na ipinag-utos ni Roman Emperor Caesar Augustus.

“So many other footsteps are hidden in the footsteps of Joseph and Mary. We see the tracks of entire families forced to set out in our own day. We see the tracks of millions of persons who do not choose to go away, but driven from their land, leave behind their dear ones,” anang Papa.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture