HATAW ang Prosperity (11), sakay si jockey Mark Angelo Alvarez, sa krusyal na distansiya tungo sa impresibong panalo sa P2.5M Philracom Juvenile Championship nitong bisperas ng Pasko sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.
HATAW ang Prosperity (11), sakay si jockey Mark Angelo Alvarez, sa krusyal na distansiya tungo sa impresibong panalo sa P2.5M Philracom Juvenile Championship nitong bisperas ng Pasko sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

HIGIT ang kasiyahan ni jockey Mark Angelo Alvarez at nagbubunyi ang may-aring si Leonardo Javier, Jr. nang makumpleto ng Prosperity ang dominasyon tungo sa pagkopo ng kampeonato sa P2.5 M Philippine Racing Commission’s 2017 Philracom Juvenile Championship nitong Linggo sa Saddle & Clubs Leisure Park sa Naic, Cavite.

Mula sa dikitang ratratan sa meta, kumilos ang Prosperity’ sa huling 400 metro para pakainin ng alikabok ang mga karibal at maitala ang four-length victoty sa 1,600-meter race.

Nakopo ng may-ari, kinatawan ni trainer Renato Yamco, ang premyong P1.5 millyon sa awarding ceremony na pinangasiwaan nina Philippine Racing Club Manager Antonio Alcasid at Philracom Commissioner Lyndon Guce. Tinanggap naman ni Yamco ang P75,000 breeder’s prize.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Ang plano po talaga, magkainitan muna sila, hindi ako sumama. Noong magkaroon ng konting butas, naipasok ko kabayo ko, dire-diretso ko na. Mga one fourth to go, medyo malayo sa akin ‘yung bandera, pero alam ko, kalkulado ko, aabutan ko,” sambit ni Alvarez, patungkol sa alaga na nagtala ng bilis na 1:41 na may quarter time na 25, 24, 24 at 27.

Nakamit naman ng Victorious Colt, sakay si JB Guce, ang ikalawang puwesto at nakamit ng may-aring si Efleda dela Cruz ang P562,500, habang pangatlo ang ang Sweet Dreams ni jockey DH Borbe Jr. para sa premyong P312,500 sa may-aring si Alfredo R. Santos. Ikaapat na summating ang Goldsmith (jockey OP Cortez) para sa premyong P125,000 sa may-aring si Joseph Dyhengco.

Ang iba pang kampeon sa karera ay ang Wo Wo Duck (Race 1), Worth the Wait (Race 2), Temecula (Race 3), Kota Kinabalu (Race 5), Love Affair (Race 6), Amazing Day (Race 7), Bliss (Race 8), Creme Brule (Race 9), Kingship (Race 10) at June Three (Race 11).

Isinagawa ang lahat ng 11 karera sa bisperas ng Kapaskuhan sa Santa Ana Park batay sa Philracom’s Rating-Based Handicapping System, alinsunod sa regulasyon ng International Federation of Horseracing Authorities kung saan isa ang Pilipinas bilang miyembro.

Bilang IFHA member, pinagtibay ng Philracom ang mga programa na batay sa world standards na nakapaloob sa panuntunan ng international body, kabilang ang rating-based handicapping system, equine drug-testing at transfer of technology para masiguro ang kalidad ng mga karera na pakakawalan.

“It’s Christmas eve, but fans still came in droves. Judging from the way racing fans embraced this race and past races since we introduced our rating-based handicapping system, we believe we can continue the surge in patronage,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.