Mga Laro Ngayon (Philippine Arena)
3:00 p.m. -- NLEX vs Globalport
5:15 pm-- Ginebra vs Magnolis
TARGET ang maagang pamumuno ang tatangkain ng Magnolia at NLEX sa dalawang magkahiwalay na laro ngayong araw ng Pasko para sa 2018 PBA Philippine Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Makakasagupa ng Hotshots ang ngayon pa lamang sasalang na Barangay Ginebra Kings para sa Pamaskong edisyon ng Manila Classico ganap na 5:15 ng hapon.
Makakaharap naman ng Road Warriors ang Globalport sa pambungad na laro ganap na 3:00 ng hapon.
Kasalukuyang nasa five-way tie sa pangingibabaw taglay ang tig-iisang panalo ang Magnolia at NLEX kasama ng defending champion San Miguel Beer, Meralco at Rain or Shine habang ang Batang Pier at Gin Kings ay ngayon pa lamang sasalang.
Unang tinalo ng Hotshots ang Alaska Aces, 108-95 habang namayani naman ang Road Warriors kontra Kia Picanto, 119-115, para sa una nilang panalo.
Inaasahang dadagsain ng kani -kanilang mga fans partikular ng mga die-hard ng crowd favorite Kings ang pinakamalaking sports arena ng bansa ang pamaskong handog ng PBA.
Ngayong nagbalik na ang 7-foot,center na si Greg Slaughter, inaasahang mas lalakas na ngayon ang puwersa sa gitna ng Kings sa presensya ng kanilang Twin Towers na sina Slaughter at 6-foot-9 Japetn Aguilar.
“We feel positive, Greg gives us an edge,but no matter how strong we are on paper we have to prove it on court, “ pahayag ni coach Tim Cone.
At para naman sa dati nyang team na hawak na ngayon ni coach Chito Victolero, sisikapin nilang mapunan ang kanilang liksi at bilis ang kakulangan nila sa gitna.
Samantala sa unang laro, patutunayan ni rookie guard at second overall draft pick Kiefer Ravena na karapat dapat lamang siya sa mga nakukuha nyang papuri mula sa media at mismong coach nila na si Yeng Guiao sa tangka nitong maduplika kung di man mahigitan ang nauna nyang performance sa kanyang debut game para sa Road Warriors.
Nasa ilalim naman ng balik head coach nilang si Pido Jarencio, magandang simula naman ang tatangkain ng Batang Pier na kumuha ng mga batang manlalaro noong pretty season para sa kanilang re-building. - Marivic Awitan