DAHIL sa ginawa niyang pangunguna para maihatid ang De La Salle Green Archers sa dalawang sunod na finals appearances at isang UAAP championship, nagpasalamat ang pamunuan ng DLSU kay Cameroonian center Ben Mbala sa kabil nang desisyon ng 2-time MVP na magpaalam na sa koponan at maglaro sa isang professional league sa Mexico.

“We thank Ben Mbala for his outstanding years as a member of the DLSU men’s basketball team. We wish him well as he embarks on a new chapter in his sports career,” nakasaad sa statement ng ng La Salle’s Office of Sports Development sa kanilang ipinadala nitong Sabado.

Nauna nang nag-post si Mbala sa kanyang social media account ng kanyang pamamaalam sa Green Archers nitong Biyernes.

“The time has come for me to move on” from the Taft school, adding that this decision was “the toughest” wika ni Mbala sa kanyang post.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang ibinigay niyang dahilan sa nasabing desisyon ay ang “7 years out of high school rule” na nakatakdang ibalik sa season 81 kung saan madi-dis qualify si Mbala na nag graduate ng high school noong 2011.

Ang nabanggit na rule ay pansamantalang sinuspinde sa nakalipas na dalawang taon dahil sa kawalan ng mga bagong recruits kaugnay ng implementasyon ng K-12 program ng DepEd.

Nagbigay naman ng kumpirmasyon si UAAP executive director Atty. Rebo Saguisag na ibabalik na ang nasabing rule sa susunod na season. - Marivic Awitan