Asahan ang napipintong dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa, ngayong linggo.

Sa taya ng Department of Energy (DoE), posibleng tumaas ng 25 sentimos ang kada litro ng gasolina, habang limang sentimos naman ang maaaring ibaba sa presyo ng diesel at kerosene bukas, Disyembre 26.

Ang nagbabadyang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa datos ng DoE, naglalaro ang bentahan ng gasolina sa P42.75 hanggang P52.65, habang P31.65-P36.80 naman ang diesel.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nitong Disyembre 19, nagtaas ng 50 sentimos sa kada litro ng diesel, 45 sentimos sa kerosene, at 30 sentimos sa gasolina. - Bella Gamotea