Ni Marivic Awitan

NAKATAKDANG magbalik ang beteanong coach na si Jerry Yee sa Premier Volleyball League bilang coach ng isang bagong team.

Sa pagtatapos ng aon, bababa si Yee at magbibitiw bilang coach ng head coach ng Sta. Lucia Realty sa Philippine Superliga at magbabalik sa PVL bilang mentor ng bagong team na Total para sa Reinforced Conference na magsisimula sa Abril ng susunod na taon.

“Nagkaroon ng offer from Total, which is Flying V,” pahayag ng dating University of the Philippines mentor at multi-titled coach ng Hope Christian School.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Hindi naman nagbigay ng pangalanng kanyang mga magiging players si Yee . Ngunit tiniyak niyang sisikapin nilang makapag recruit ng mahuhusay na mga manlalaro upang makabuo ng isang competitive team na puwedeng ipantapat at makipagsabayan sa mga top teams ng liga gaya ng defending champion Pocari Sweat, BaliPure at ang pinangunguhan nina Alyssa Valdez, Jia Morado at Risa Sato na Creamline.

“Raffy Villavicencio is the one negotiating sa mga players, ang balak nila is to bring in former La Salle players,” ani Yee.

Nauna nang nag -coach si Yee para sa UP noong nakaraang PVL Open Conference bago nagbitiw sa unang bahagi ng Collegiate Conference.