Ni JEROME LAGUNZAD

WALANG katiyakan sa kanyang career sa La Salle University ang nagtulak kay Ben Mbala na umakyat sa pro sa koponan ng Fuerza Regia de Monterrey sa Liga Nacional de Baloncesto Professional --ang nangungunang pro league sa Mexico.

Sa kabila ng pagkawala ni Mbala, maituturing top contender pa rin ang Archers, higit at inaaasahang lalaro na ang dating New Zealand national juniors team standout na si Taane Samuel.

Sa edad na 18-anyos, ang 6-foot-8 na si Samuel ay nakapasa na sa one-year residency para sa foreign student-athletes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kasalukuyam siyang nagsasanay sa Green Archers’ Team B na pinangangasiwaan ni coach Anton Altamirano.

Naghihintay rin na mabigyan ng pagkakataon ang dalawang blue chip recruits na sina 6-foot-9 Fil-American CJ Lane na nagmula sa New Jersey at 6-foot-8 Fil- Aussie Brandon Bates mula sa Sydney, Australia.

Nakatakda ring magbalik aksiyon ang promising na si G-Boy Gob, nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) injury, gayundin sina La Salle mainstay Prince Rivero, lanky Justine Baltazar at workhorse Santi Santillan.

Ngunit, nakatupn ang lahat kay Samuel, miyembro ng New Zealand team na pumuwesto sa 11th place sa FIBA Under-19 Basketball World Cup nitong Hulyo sa Cairo Egypt kung saan naitala niya ang averaged 11.2 puntos at 3.4 rebounds per game.

Dahil naging estudyante siya ng La Salle matapos magtapos ng high school sa New Zealand, ang pamosong Kiwi mula sa Wellington, New Zealand, ay pasok sa maximum five years para makapaglaro sa Archers.