Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Inihayag kahapon ni Malolos City, Bulacan Mayor Christian Natividad na magsasagawa sila ng dalawang community fireworks display sa Bulacan, bilang pagsalubong sa Bagong Taon.

Aniya, isasagawa ito sa open area ng Malolos City Sports and Convention Center sa Barangay Bulihan, at sa open area ng kanilang water district sa Bgy. Cutcot.

Ayon sa alkalde, ang nasabing pagtalima ay pagtugon sa Executive Order No. 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo, kung saan nakasaad na kailangang maglaan ng common fireworks display area sa mga nasasakupang lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kaugnay nito, binanggit naman ni Jeremiah Caguingin, ng Provincial Cooperative Economic and Development Office, na nagpadala na ang kanilang tanggapan ng notice sa bawat bayan at lungsod sa lalawigan, para maglaan ng community fireworks display area sa kani-kanilang lugar.