Ni Ni ANNIE ABAD

PUNO na ang salop, walang dapat pang gawin kundi ang kalusin ang dapat kalusin.

Sa nagkakaisang desisyon ng Philippine Sports Commission (PSC) Board,ipinahayag kahapon ng sports agency ang pagpapatigil sa pagbibigay ng pondo sa Philippine Karate-do Federation (PKF) habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon sa pangangankong ng opisyal ng PKF sa training allowances ng mga atleta sa Germany nitong Hulyo.

Ramirez copy

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

“The PSC Board have agreed to suspend all the funding to PKF,” pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa isinagawang media conference kahapon sa PSC Audio visual room sa Philsports sa Pasig City.

Kasama ang buong PSC Board, kabilang sina Commissioners Ramon Fernandez, Charles Maxey, Celia Kiram at Arnold Agustin, pati na ang Executive Director na si Sannah Frivaldo, nang ipahayag ang naturang desisyon.

Ayon sa PSC, malinaw na paglabag umano sa Commission on Audit (COA) rules ang ginawang pagkaltas ni PKF secretary-general Raymund Lee Reyes sa allowances ng mga atleta na nagsanay ng 20-araw sa Germany bilang paghahanda sa SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa approved budget ng PSC na P3.4 milyon, ang 12 atleta sa delegasyon ay dapat tumanggap ng tig-US$1,800, ngunit sa sinumpaang-salaysay ng mga atleta Euro470 lamang ang kanilang tinanggap.

Sa record na isinumite ng PKF bilang liquidation sa PSC, nakapirma ang mga atleta na tumanggap ng US$1,800. Ayon kay Ramirez, sinabi umano ni Lee na ang nalalabing pondo ay ginamit nila bilang pambili ng pagkain at iba pang gastusin sa Germany.

“That’s a clear technical malversation. Yung pondo para sa allowances, dapat para doon lang walang ibang paggagamitan. Sa kanilang request may hiwalay na pondo para sa pagkain at accommodation,” sambit ni Ramirez.

Ayon sa PKF, nag-filed ng leave of absence si Lee sa asosasyon.

Bukod dito, iniutos din ng PSC na hindi muna dapat makalapit sa mga atleta si Reyes o sinumang opisyal, pati na ang coaches habang umuusad pa ang imbestigasyon.

“We also request to restrict any PKF officials to talk to the athletes, until the investigation is over. Para maproteksyunan din ang mga atleta natin,” pahayag pa ni Ramirez.

Hiniling din ni Ramirez sa mga nagiimbestigang opisyal ng NBI na maging malumanay sa pagtatanong sa mga atleta, upang hindi gaanong maapektuhan ang training ng mga ito.

Gayunman sinabi niya na tutulungan pa rin ng PSC ang mga atleta sa kanilang paghahanda mga kompetisyon gaya ng Asian Games at sa darating na 2019 Southeast Asian Games.