Napatay ang isang sundalo habang dalawang kasamahan niya ang nasugatan makaraang tambangan sila ng mga terorista ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sitio Baunodagaw, Barangay Badja, Tipo-Tipo, Basilan nitong Lunes.

Inihayag ni Senior Insp. Mujahid A. Mujahid, na nagsasagawa ng route security ang mga tauhan ng 74th Infantry Battalion sa nasabing lugar nang bigla silang pagbabarilin ng ASG.

Ayon kay Mujahid, pinasabugan ang mga sundalo ng mga improvised explosive device na itinanim ng mga bandido sa lugar.

Kasunod ng pagsabog ay pinaputukan naman ng Abu Sayyaf ang militar na ikinamatay ng isang sundalo. - Fer Taboy

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog