LAUSANNE, Switzerland (AP) — Ipinahayag ng International Olympic Committee ang pagpataw ng lifetime ban sa Olympics kay Russian lawmaker Alexei Voevoda bunsod nang pagkakadawit sa kontroberyal na 2014 Sochi Olympic doping program.

Tumatayong brakeman si Voevoda kay Alexander Zubkov, nagbigay sa Russian ng Olympic gold sa two-man at four-man bobsled events.

Nauna nang binawi ng IOC ang dalawang gintong medalya matapos idiskwalipika ng IOC disciplinary commission si Zubkov. Kasalukuyang nakaapela ang desisyon sa Court of Arbitration for Sport.

Iginiit ng judging panel na naglitis sa kaso na ang ‘abnormal’ ang antas ng salt level ni Voevada ay may mga gasgas ang ginamit na glass bottles na nagpapatunay na dinaya ang samples.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bilang Olympic champion, naihalal si Voevoda bilang state parliament ng United Russia party bilang kinatawan ng Krasnodar region.