MANO PO, PA Nagmamano kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagdating niya sa Lanang, Davao City para  pagtitipon ng LGBT community, nitong Disyembre 17, 2017.
MANO PO, PA. Nagmamano kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang anak niyang si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagdating niya sa Lanang, Davao City para pagtitipon ng LGBT community, nitong Disyembre 17, 2017.

Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at BETH CAMIA

Nagpahayag ng suporta si Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte sa same-sex marriage, sinabing hindi niya hahadlangan kung ano ang magpapaligaya sa kanyang mga kababayan.

Sinabi ito ni Duterte ilang buwan matapos niyang idiin na hindi niya mapapahintulutan ang same-sex marriage sa bansa dahil ito ay paglabag sa batas ng isang Katolikong bansa.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa kanyang pagtatalumpati sa 7th LGBT Year-End Gathering sa Davao City nitong Linggo ng gabi, sinabi ng Pangulo na sinusuportahan niya ang gay marriage at wala siyang magagawa kung ito ang magpapasaya sa lesbian, gay, bisexual, transgender (LGBT) community. “I am for [same] sex marriage. If that will add to your happiness, I am for it. Who am I [to hinder]?” ani Duterte na umani ng palakpakan ng audience.

“Kung ano kaligayahan ng tao, bakit ko pigilan? Why impose a morality that is almost passe?” dagdag niya.

Tiniyak din ni Duterte sa LGBT community na hindi sila maapi sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“There will be no oppression and under my term and we will recognize your importance to society,” aniya.

Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Duterte ay pangulo ng lahat ng mga Pilipino, at wala itong pinipili.

“This Administration has long espoused inclusivity and sensitivity. We make no distinction. We are all Filipinos enjoying our rights, freedom and equality before the law,” saad sa pahayag ni Roque.

Ang huling salita ni Duterte ay taliwas sa kanyang pagtutol sa gay marriage noong Marso, 2017 dahil ito ay labag sa batas.

“Tingnan mo ‘yung Time [Magazine]. Wala nang gender, because you can be he or she. ‘Yan ang kultura nila. Kayo lang. ‘Di ‘yan puwede sa amin, Katoliko kami,” aniya noong Marso.

“At there is the Civil Code, which is you can only marry a woman for me, and for woman to marry a man. ‘Yan ang batas natin,” dagdag niya.

Gayunman nilinaw ni Duterte na hindi siya kontra sa homosexuals dahil siya man ay mayroong kamag-anak na bakla.

“Dalawang brother-in-law ko gay. May mga pinsan ako na gay, wala akong ano, pero kung saan ka pinuwesto ng Diyos, diyan ka lang,” aniya.

Sa kampanya niya sa panguluhan, nagpahayag si Duterte ng kahandaan sa posibilidad ng batas na magpapahintulot ng gay marriage sa bansa. “The gays were created by God... God made them so medyo nagkamali ‘yung bilangan diyan sa Bible. [Dapat] Adam, Eve, and the gays,” ani Duterte, noong Enero, 2016.