LA PAZ, Tarlac - Nahaharap ngayon sa qualified theft ang cashier ng isang gasolinahan sa Barangay San Isidro, La Paz, Tarlac makaraang unti-unting tangayin ang kita ng nasabing gasolinahan.

Nadiskubreng ninakaw ni Mylene Rosete, 33, ng Bgy. San Roque, La Paz, Tarlac, ang kita ng gasolinahan nang nag-imbentaryo ang mga may-ari na sina Rafael at Mary Grace Ricafort, at hindi ito nagtugma.

Tinangay ng suspek ang P397,420 na sinimulan nitong nakawin mula pa nitong Disyembre 11, 2017. - Leandro Alborote
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog