Isang tricycle driver ang sinaksak ng kanyang kasamahan dahil lamang sa agawan ng pasahero sa Tondo, Maynila, nitong Sabado.

Naka-confine sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center si Gilberto Canoza, 40, residente ng Molave Street, Tondo, dahil sa saksak sa kaliwang bahagi ng tagiliran habang arestado naman si Edmund Sablaon, 36, ng E. Tayabas Street sa Tondo.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 4:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa terminal ng tricycle sa Molave Street, kung saan kapwa nag-aabang ng pasahero ang dalawa.

Nang may dumating na pasahero ay tinawag at isinakay nito si Canoza, na ikinagalit ni Sablaon dahil nauna umano siya sa pila at kinumpronta ang biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nauwi sa suntukan ang insidente at nasugatan sa ulo ang suspek, hanggang bumunot ito ng patalim at sinaksak si Canoza. - Mary Ann Santiago