Hindi sang-ayon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte na federalism bilang all-in solution sa mga problema sa pamamahala.
Kinumpirma ni Mayor Duterte ang pahayag, kahit na makikinabang ang Davao City sa pinaplanong federalism ng lokal na pamahalaan.
“It is in my opinion that the political climate of our country is not ready for federalism,” aniya.
“Ang akong problem is the other parts of the country that are not ready for federalism because as I said, our country is a country of warlords, and that is the truth,” dagdag niya.
Gayunman, sinabi niya na ang mga lungsod gaya ng Davao City ay tatalima sa desisyon ng Kongreso sakaling magdesisyon ang pamahalaan na simulan ang mahabang proseso ng pagrereporma sa pamamahala.
“I am just a mayor and that is my opinion,” aniya.
Sinabi ni Mayor Duterte na wala siyang problema sa mismong ideya ng federalism.
“In fact, kung dunay federalism, it will be Davao City who will benefit the most in this form of government because makita nato diri sa Davao City na daghan tag nabuhat bisag IRA-dependent ta (makikita natin dito sa Davao City na marami tayong nagagawa dahil sa ating pondo),” aniya.
Ayon kay Duterte kailangan ang political maturity ng mga botante na pipili sa kanilang mga lider.
“Dili ready ang ubang lugar nga maging independent and in a federal form of government kung dili pud sila ready mupili ug correct na tao nga mag lead sa ilahang state (ang ibang lugar ay hindi pa handa na maging malaya at mapasailalim sa federal government kung hindi pa sila handa na pumili ng mga tamang tao na mamumuno sa kanila,” aniya. - Yas D. Ocampo