Ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

4 p.m. Opening Ceremonies

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:45 p.m. San ,Miguel vs. Phoenix

Kampeon ng nakaraang tatlong Philippine Cup, walang dudang ang San Miguel Beer ang siyang paborito upang magwagi ng kanilang ika-4 na titulo sa 2016 PBA Philippine Cup na nakatakdang magbukas ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Sisimulan ng Beermen ang kanilang 4-peat campaign kontra Phoenix Petroleum ngayong gabi para sa nag-iisang laro ngayong opening day matapos ang isang simpleng opening rites ng ika-43 taon ng liga.

Gayunman, aminado si Austria na may malaking pressure para sa kanyang koponan dahil kailangan nilang paninidigan ang malaking ekspektasyon sa kanila.

“We’re gunning for a fourth all-Filipino championship, but I constantly tell the guys that we have to live up to the expectations for us to improve,” ani Austria.. “The pressure is always there and I tell them that it should force them to play at their best, to keep working hard, and keep learning.”

Taglay ang isang solidong line-up na pinangungunahan ni 4-time MVP Junemar Fajardo, Aewind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter, nagdomina ang Beermen sa All-Filipino Conference sa nakalipas na tatlong taon.Hindi pa kasama dito ang top pick ng nakaraang Rookie Draft na si Fil-German Christian Standhardinger na tinatapos pa ang kanyang naunang commitment sa koponan ng Hong Kong sa ABL bago maglaro sa PBA.

At habang nananatili ang kanilang malapader na roster, mananatili ding paborito ang koponan sa season opener.

“It will be a disappointment for us if we don’t win the championship,” pag-amin ni Austria.“We won five championships over these past years and everybody expects us to be there (in the Finals) always. But we have to work hard. We should be able to show what is expected of us.”

Sa panig naman ng Phoenix, inaasahan ng kanilang bagong mentor na si dating Alaska deputy Louie Alas, na lilikha ng ingay ang koponan simula ngayong 43rd season.