Ni Remy Umerez

ISA sa mga proyektong malapit sa puso ni Heart Evangelista ang Bataan Freedom Run. Apat na taon na itong isinasagawa ng Philippine Veterans Bank na ang layunin ay gunitain ang Death March, isang malagim na kabanata noong World War II.

Ang pagtakbo ay simbolo ng kalayaaan, ayon kay Miguel “Mike” Villareal, deputy regional vice-president ng Veterans Bank na siyang umisip ng konsepto.

Para kay Heart, ang leading lady ng teleseryeng My Koren Jagiya, ang Bataan Freedom Run bukod sa historial value ay bahagi ng kanyang advocacy sa pagtataguyod ng wellness at physical fitness at natutuwa siya sa masiglang pagtanggap ng mga kabataan sa proyektong ito.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang bahagi ng proceeds ng Bataan FreedomRun ay mapupunta sa Fil-Am Memorial Endowment (FAME). Ito ang organization namamahala sa kilometer marker ng Death March.

Maaari nang magparehistro ang sinumang nais sumali simula Enero 2019. Bisitahin sa website at Facebook page ng event ang iba pang mga detalye.