Ni Marivic Awitan

TULOY ang ligaya, magkahiwalay man ng pananaw ang mga miyembro ng PBA Board.

Ito ang mukha ng tanging pro league sa bansa sa pagbubukas ng ika-43 Season sa Linggo sa Araneta Coliseum.

“Di puwedeng mawala ang PBA sa mga Filipino.We are one solid group as of this time,” pahayag ni outgoing chairman Mikee Romero ng Globalport.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Iginiit ni Romero na anumang problema na kanilang kinakaharap ay reresolbahin nila ng maayos sa tamang panahon.

“Any internal problem we have, we will deal with it internally among us, “ pahayag ni Romero, bahagi ng ‘SMB Group’ ni Ramon Ang na dumedepensa kay PBA Commissioner Chito Narvasa.

Tulad nang inaasahan, walang pormal na pahayag ang Board hingil sa status ni Narvasa.

Kabuuang pitong miyembro ng Board – NLEX, Meralco, Blackwater, Rain or Shine, Talk ‘N Text, Phoenix at Alaka -- itinuturing na ‘MVP Group’ ang tahasang naglabas ng manifesto kamakailan kung saan ipinahayag ang pagkadismaya para magpatuloy pa sa kanyang trabaho si Narvasa bilang Commisioner.

Ang inaasahang consensus ng lahat ng miyembro ng PBA Board ay hindi naganap sa isinagawang meeting sa Los Angeles, USA bunsod na rin ng hindi pagsipot ng mga opisyal sa kabilang grupo.

Iginiit naman ni Romero na tapos na ang usapin at nakatuon ang kanilang pansin sa aksiyon sa Linggo kung saan nakatakdang magtuos ang Beermen at Phoenix Fuel Masters.

Magtutuos naman sa main game ang Ginebra at Talk ‘N Text.

Ayon kay Romero, anumang problema na kanilang kinakaharap ay reresolbahin nila ng maayos.

“Any internal problem we have, we will deal with it internally among us, “ aniya.