Ni Niño N. Luces

LEGAZPI CITY, Albay – Kinumpirma ng Department of Education (DepEd)-Region 5 na halos 80 estudyanteng atleta at coach ang sumakit ang tiyan at nagsuka makaraang mabiktima ng hinihinalang food poisoning isang araw bago magsimula ang Palarong Panlalawigan sa Masbate.

Sinabi ni Mark Kevin Arroco, Project Development Officer 2 ng DepEd-Region 5, na sa kabuuan, 79 na student athlete, kabilang ang ilang coach na delegado mula sa Ticao Island ang naapektuhan ng pagkalason sa pagkain, ngunit anim sa mga ito ang na-confine sa loob ng tatlong oras, habang ang 73 pa ay ginamot na lang sa kani-kanilang quarters.

“’Yung edad is ranging from 11 to 36 years old, student athlete and coaches are affected. Okey naman sila ngayon, may anim lang na na-confine, sinabi ni Arroco sa panayam sa telepono.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Lunes nang magsimula ang Palaro sa Masbate City, subalit nangyari ang insidente bandang 10:00 ng gabi nitong Linggo.

“Mild lang naman ‘yung nangyari and ‘yung suspect ng doktor is food preparation. Chicken adobo daw ‘yung kinain, pero under investigation pa siya,” ani Arroco.

“Pinagpahinga lang sila, buti na lang naagapan, at nakapaglaro uli sila sa Palaro.

“A day before, bago mag-umpisa ‘yung Palaro, andun na sila sa Masbate City. Siguro dahil sa malayo at earlier pa na-prepare ‘yung pagkain, siguro ‘yun ‘yung dahilan ng pagsasakit ng mga tiyan at pagsusuka ng ibang mga athtlete at coaches,” paliwanag ni Arroco.