Pagbabalik ni Kawhi Leonard sa Spurs, diniskaril ng Mavs.
CLEVELAND (AP) – Nadomina ng Cavaliers ang second quarter tungo sa dominanteng 123-114 panalo kontra Atlanta Hawks nitong Martes (Miyerkules sa Manila).
Pinangunahan ni LeBron James ang hataw ng Cavaliers para sa 31-17 iskor sa second quarter tungo sa ikalawang sunod na panalo at ika-20 sa 28 laro.
Hataw si James sa naiskor na 25 puntos at 17 assists, habang kumana si Kyle Korver ng 19 puntos mula sa bench, tampok ang 6-of-9 sa three-point area.
Nag-ambag sina Kevin Love at Jeff Green ng tig-17 puntos para sa Cavs.
Natamo ng Hawks ang ikalawang sunod na kabiguan at ika-21 sa 27 laro. Nanguna si Taurean Prince na may 24 puntos, habang umarya si Kent Bazemore na may 20 puntos.
MAVS 95, SPURS 89
Sa Dallas, naisalba ng Mavericks ang ratsada ng San Antonio Spurs, sa pangunguna ni JJ Barea na kumana ng 16 puntos para mabokya ang pagbabalik-aksiyon ni San Antonio star Kawhi Leonard.
Hindi nakalaro si Leonard sa unang 27 laro ng Spurs bunsod nang tendinopathy sa kanang quadriceps. Hindi na rin siya ibinalik sa fourth period kung saan sumirit ang opensa ng Mavs may 1:49 ang nalalabi.
Humugot si Harrison Barnes ng 17 puntos, habang nag-ambag sina Yogi Ferrell at Wesley Mathews ng tig-16 puntos para tuldukan ang five-game losing streak sa teritoryo ng Spurs.
Nanguna sa Spurs si LaMarcus Aldridge na may 23 puntos at 13 rebounds, habang kumubra si Rudy Gay ng 21 puntos.
Nakapagtala si Leonard ng 13 puntos bago nagbalik sa locker room sa kaagahan ng third quarter.
Tulad ni guard Tony Parker na nagbalik aksiyon din nitong Linggo, limitado ang playing time ang dalawa.
NETS 103, WIZARDS 98
Sa New York, nagtumpok ng tig-16 puntos sina Rondae Hollis-Jefferson at Caris LeVert para mailista ang ang krusyal na panalo .
Naisalpak ni Allen Crabbe ang 3-pointer may 43.8 segundo ang nalalabi para sa 100-98 bentahe. Nagmintis si Bradley Beal sa potenshtial game-tying bago na-foul si Spencer Dinwiddie na nagbuslo sa free throw para mahila ang bentahe sa, 101-98.
KNICKS 113, LAKERS 109
Sa New York, nagsalansan si Kristaps Porzingis ng 37 puntos at 11 rebounds, habang bumanat si Michael Beasley sa overtime,para manaig ang Knicks kontra Los Angeles Lakers.
Nagtumpok si Beasley ng 13 puntos, kabilang ang follow up shots na nagtabla sa iskor. Sa overtime, tuluyang namayani ang Knights.
Ratsada si Kentavious Caldwell-Pope sa naiskor na 24 puntos, habang kumikig si Kyle Kuzma na may 19 puntos.
Kumasa si Lonzo Ball sa naiskor na 17 puntos, walong rebounds at anim na assists. Personal siyang pinanood ng ama na si Lamar at mga kapatd na sina LiAngelo at LaMelo.
NUGGETS 103, PISTONS 84
Sa Detroit., diniskaril ng Denver Nuggets, sa panguguna ni Jamal Murray na may 28 puntos, ang Detroit Pistons.
Nag-ambag si Trey Lyles ng 20 puntos para sa Denver, habang kumubra sina Wilson Chandler at Mason Plumlee ng 18 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Humirit din ang reserves na sina Langston Galloway na may 18 puntos at Marjanovic na may 14 marka para sa Pistons.
Tanging si Reggie Jackson ang Detroit starter na umiskor ng double digits.