Ni LITO T. MAÑAGO

INAALALA ni Jennylyn Mercado si Alex Jazz (anak niya kay Patrick Garcia) sakaling mag-propose na ng kasal ang kanyang long-time boyfriend na si Dennis Trillo. 

Dennis at Jennylyn copy

Kailangang iparamdam daw muna ng lalaking maghahatid sa kanya sa altar na mahal din nito ang kanyang anak. 

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Number one sa akin ‘yun. Importante kung sino ‘yung makakasama ko sa habang buhay, pang-habang-buhay, aalagaan niya at mamahalin niya nang buong-buo ‘yung anak ko. ‘Yun ang importante, number one ‘yon,” pagtatapat ni Jennylyn sa grand presscon ng pelikulang All of You na pinagtatambalan nila ni Derek Ramsay under Quantum Films, MJM Productions at Globe Studios. 

Ganito rin ang mensahe ng Kapuso actress sa kanyang future husband. 

“Sa magiging future husband ko, number one talaga, eh, mahal na mahal niya ‘yung anak ko. Kung gaano niya ako kamahal, ganu’n din niya dapat kamahal ‘yung anak ko,” sambit ni Jennylyn.

Sa obserbasyon ng nakararami, sa simbahan na ang tuloy ng relasyon nina Jennylyn at Dennis lalo na’t malaki pa rin ang paniniwala ng una sa konsepto ng kasal. 

“Siyempre naman,” lahad ng two-time MMFF Best Actress. “Naniniwala... di ba nga, katulad nu’ng sabi ko kanina kapag handa ka na, tinanong ka na, sumagot ka, di ba? Kung handa ka na, yes! Kung hindi, di hindi. Huwag mong pilitin.”

May nagtanong kung matatanggihan ba niya sakaling magpo-propose na si Dennis sa kanya.

“Hindi ko pa masasabi hangga’t wala ako sa posisyon na ‘yun, di ba? Hangga’t wala ako sa oras na ‘yon. Sa ngayon, wala pa. Hindi pa. Hindi ko pa puwedeng paghandaan kasi wala pa ‘yan sa plano ko,” lahad ng former Starstruck Ultimate Female Survivor.  

Bagamat hindi pa handa para sa isang proposal, sa tingin niya ay nasa tamang edad na rin naman siya for marriage. 

“Thirties na rin ako, siguro naman. Nasa tamang edad na rin naman ako pero siyempre kapag hindi pa talaga handa, huwag mong pilitin kasi baka magkamali ka, di ba? Ang hirap magkamali!” wika ng aktres. 

Simple lang ang rason ng hot momma kung bakit takot pa siyang i-commit ang sarili sa sakramento ng kasal, “Ang dami ko pang gustong gawin!”

Ang All Of You ay follow-up movie nina Jennylyn, Derek at Direk Dan Villegas sa kanilang 2014 MMFF box-office hit na English Only, Please.

Bukod sa box-office success, nagbigay din ito ng karangalan kina Derek at Jen bilang Best Actor at Best Actress sa 40th edition ng MMFF; at Best Director award naman kay Direk Dan.

Ang tanong: will history repeat itself? All Of You opens in cinemas nationwide on Christmas Day bilang isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2017.