Ni Leonel M. Abasola

Siyamnapung taong makukulong at magmumulta ng P7.5 milyon kapag mapatunayang “guilty” ang taong nagbiyahe sa 30 aso para sa isang dog show, subalit nasawi sa dehydration at heat stroke nitong Linggo.

Ayon kay Senador Francis Pangilinan, ito ay batay sa inamyendahang Animal Welfare Act.

“We are enraged by reports that 30 dogs that were arranged to take part in an annual dog show died after being transported in a closed van,” ani Pangilinan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, malabnaw din ang naging pahayag ng Philippine Canine Club, Inc. na nagsabing bubuo ng trial board sa insidente.

“While we respect the club’s internal processes, it must be noted that the incident violated certain provisions of Republic Act 10631 or the Amended Animal Welfare Act. The negligent person should not face mere suspension but penalties imposed by the law if proven guilty,” ani Pangilinan.

Matatandaang 40 aso ang ibiniyahe mula sa Novaliches, Quezon City patungo sa dog show sa Marikina City sakay sa isang closed van, subalit 30 sa mga ito ang nasawi.