GINAPI ng Petron at F2 Logistics ang kani-kanilang karibal nitong Sabado para maisaayos ang cham pionhip duel sa Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa MOA Arena.

Sinandigan ang Petron nina American imports Lindsay Marie Stalzer at Hillary Hurley para pabagsakin an gang two-time champion Foton, 30-28, 21-25, 25-23, 25-21, habang nadomina ng F2 Logistics ang Cocolife, 25-17, 25-16, 25-17, sa sudden-death semifinal round.

Nakatakda ang Game One ng best-of-three finals bukas ganap na 7:00 ng gabi sa Filoil Flying V Centre in San Juan. Magtutuos para sa ikatlong puwesto ganap na 4:15 ng hapon ang Foton at Cocolife.

Naitala ng 6-foot-1 na si Stalzer ang game-high 25 puntos, habang humarbat ang 6-foot-2 na si Hurley ng 21 kills at dalawang blocks para sa Blaze Spikers.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We were tense in the first set. Fortunately, we still managed to win it. That (first) set win was very crucial,” sambit ni Petron coach Shaq Delos Santos.

Sumandig naman ang F2 Logistics sa double-digit scores nina Venezuelan import Maria Jose Perez at American import Kennedy Bryan kontra sa Cocolife.

Humugot ang 6-foot-2 na si Perez, sumabak sa 2008 Beijing Olympics, ng 18 puntos, habang kumana ang 6-foot-1 na si Bryan ng 13 puntos para gabayan ang 2016 All-Filipino Conference champion Cargo Movers.

Nagsalansan sina American imports Shar Latai Manu-Olevao at Taylor Milton ng 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.