Golden State Warriors forward Kevin Durant shoots against Detroit Pistons forward Stanley Johnson (7), center Boban Marjanovic (51) and forward Anthony Tolliver (43) during the second quarter of an NBA basketball game Friday, Dec. 8, 2017, in Detroit. (AP Photo/Duane Burleson)

DETROIT (AP) — Hataw si Kevin Durant sa naiskor na 36 puntos, tampok ang 13 sa third period para sandigan ang Golden State Warriors sa 102-98 panalo kontra sa Pistons at kumpletuhin ang walang gurlis na six-game road trip nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Sa kabila ng pagkawala ni leading scorer Stephen Curry bunsod ng sprained sa kanang paa, naitala ng Warriors ang pinakamatikas na marka sa road game mula nang magawa ng Los Angeles Lakers noong 2009. Nahila rin ng defending champion ang winning streak sa 10.

May pagkakataon ang Detroit na maitabla ang iskor para sa posibleng overtime, ngunit nagmintis ang wild drive ni Reggie Jackson bago naisalpak ni Klay Thompson ang dalawang free throws para selyuhan ang panalo may 5.3 segundo ang nalalabi.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nanguna si Avery Bradley sa Pistons, nabigo sa ikalimang sunod, sa nakubrang 25 puntos. Tangan nila ang 50-46 bentahe sa halftime. Nalimitahan si Andre Drummond sa walong puntos, ngunit may 17 rebounds.

Nag-init ang opensa ng Warriors sa third period ang naitarak ang 77-67 bentahe patungo sa final period mula sa three-pointer ni Quinn Cook.

PACERS 106, CAVS 102

Sa Indianapolis, nadaig ng Indiana Pacers sa ratratan sa third period ang Cleveland Cavaliers tungo sa dikitang panalo na tumapos sa winning streak ng Cavs sa 13.

Nanguna si Victor Oladipo sa matikas na hataw ng Pacers sa third period para ma-outscored ang Cavaliers 32-23. Kumubra si Oladipo ng 33 puntos, tampok ang anim sa 15 three-pointers ng Indiana para sa 15-11 marka.

Nanguna si LeBron James sa Cavs na may 29 puntos, 10 rebounds at pitong assists, habang nag-ambag si Kevin Love ng 20 puntos at kumana si JR Smith ng 15 puntos.

SPURS 105, CELTICS 102

Sa San Antonio, naisalpak ni Manu Ginobili ang go-ahead three-pointer para malusutan ang Boston Celtics.

Mainit ang simula ng Celtics, sa pangunguna ni Kyrie Irving na tumipa ng 17 sa kabuuang game-high 36 puntos sa first period para makuha ng Boston ang double digit na bentahe.

Nakahabol ang Spurs at sa mainit na 7-0 run sa fourth period ay nagawang makatabla sa 100-all, nagpalitan ng pagbuslod sina Irving at Spurs forward LaMarcus Aldridge para mapanatiling tabla ang iskor tungo sa guling 1:34 ng laro.

Nakabante ang Spurs sa backbreaking triple ni Ginobili may limang segunda ang nalalabi sa laro. Nakakuha ng pagkakataon si Irving, ngunit sumablay ang kanyang game-tying na tira sa buzzer.

Nanguna si Aldridge sa Spurs (18-8) na may 27 puntos at 10 rebounds, habang nagsalansan sina Pau Gasol at Rudy Gay ng 15 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod.

KINGS 116, PELICANS 109 (OT)

Sa New Orleans, naitala ni Zach Randolph ang season-high 35 puntos, habang kumubra si Buddy Hield ng double digits sa fourth-quarter rally tungo sa panalo ng Sacramento Kings kontra New Orleans Pelicans.

Kumana rin sina De’Aaron Fox at Frank Mason ng tig-17 puntos.

Nabalewala ang pananalasa ni DeMarcus Cousins na humataw ng 38 puntos at 11 rebounds, habang humirit si Anthony Davis, nagbalik-laro mula sa tatlong larong pahina bunsod ng adductor strain, ng 18 puntos at S Sa iba pang laro, ginapi ng Toronto Raptors, sa pangunguna ni DeMar DeRozan na may 26 puntos, ang Memphis Grizzlies, 116-107; Namayani ang Denver Nuggets sa Orlando Magic, 103-89; naungusan ng Chicago Bulls ang Charlotte Hornets, 119-111, sa overtime ; pinataob ng Milwaukee Bucks, 109-102.