Sylvia Sanchez
Sylvia Sanchez

SA edad na 46 ay wala pa kaming alam na sumasakit kay Sylvia Sanchez na napakabilis kumilos sa lahat ng bagay. Kahit Gen-X, pang-millennials ang dating niya. At ang schedule niya, hindi pangbeteranang aktres kundi pang-young star.

Kahit puyatan sa tapings ng Hanggang Saan ay nagagawa pa rin ng aktres na mag fly in-fly out at katunayan nitong Huwebes ay lumipad siya ng Davao City para sa Beautederm Ambassadors Fashion show for a Cause kasama si Matt Evans at ang may-ari ng Beautederm na si Rei Ramos Anicoche Tan.

Balik-Manila si Ibyang nitong Biyernes ng madaling araw at natulog lang ng dalawang oras dahil kaagad ding gumising para sa dumalo sa ginanap na Makabata Anak TV awards sa SGI Philippines Headquarters sa Timog na isa siya sa awardee para sa seryeng The Greatest Love.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Post ni Sylvia, “Maraming salamat #AnakTVAwards2017 for the Anak TV Seal and Makabata Award for #TheGreatestLove #actorslife #happyandcontent #career #happiness #grateful #blessed #priceless #thankuLORD. Happy morning.”

Natawa naman kami sa post ng asawa ng aktres na si Art Atayde dahil habang natutulog ay itinabi nito ang award at may caption na, “This is what happens after you get a prestigious award. Congrats to my wife.”

Nitong Sabado naman ng madaling araw ay lumipad si Sylvia kasama ang dalawang anak na sina Gela at Xavi Atayde patungong Nasipit, Agusan del Norte para sa importanteng bagay na kailangan niyang personal na asikasuhin.

Ngayong Linggo naman ang uwi para sa family day nila dahil bukas ay maaga ang taping para sa Hanggang Saan na panay ang trending ngayon. --Reggee Bonoan