UNITED NATIONS (AP, AFP) – Sinabi ng United Nations na nagkasundo ang political chief nito at ang foreign minister ng North Korea na pinakamapanganib sa lahat ng isyu sa seguridad sa buong mundo ang kasalukuyang sitwasyon sa Korean peninsula.
Nagbalik si U.N. Undersecretary-General for Political Affairs Jeffrey Feltman nitong Biyernes mula sa apat na araw na pagbisita sa North Korea, kung saan nakapulong niya ang mga mga opisyal kabilang na si North Korean Foreign Minister Ri Yong Ho.
Sinabi ni U.N. spokesman Stephane Dujarric nitong Sabado na nagkasundo sina Feltman at Ri na ang Korean situation ay “the most tense and dangerous peace and security issue in the world today.’’
Nagbabala si Feltman ng panganib na ang miscalculation ay maaaring magbunsod ng digmaan at hinimok ang North Korea na panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon.
Binanggit ang ‘’urgent need to prevent miscalculations and open channels to reduce the risks of conflict,’’ sinabi ni Feltman na pursigido ang pandaigdigang komunidad na makahanap ng solusyon.