CAIRO (AFP) – Nanawagan ang Arab foreign ministers nitong Sabado sa United States na bawiin ang pagkilala sa Jerusalem bilang kabisera ng Israel at kilalanin ng pandaigdigang komunidad ang Palestinian state.

Sa resolusyon matapos ang emergency meeting sa Cairo, sinabi ng mga kasaping minister ng Arab League na dahil sa kontrobersiyal na hakbang ni President Donald Trump, iniurong ng United States ang sarili bilang ‘’ sponsor and broker’’ ng Israel Palestinian peace process.

Sa pamumuno ni Arab League chief Ahmed Abul Gheit, kinondena ng grupo ang desisyon ni Trump at nagkasundo na hilingin sa United States na “rescind its decision on Jerusalem...and the calling on the international community to recognise the state of Palestine...with east Jerusalem as its capital.’’

Dudulog din sila sa United Nations Security Council para sa resolusyon na kumokondena sa desisyon ng US bilang paglabag sa pandaigdigang batas.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'