INAMIN ng bagong Phoenix Petroleum coach na si Louie Alas na hirap siya sa nangyayaring adjustment sa kanyang panig mula sa matagal na panahon ng pagiging assistant coach sa koponan ng Alaska.

“Actually yung mga players walang problema eh. Pero yung coach, struggling,” ang may pagpapakumbabang pag -amin ni Alas.“Kasi I’ve been an assistant coach for more than five years and I still want to get into a rhythm. Kailangan ko pa talagang mag-adjust being head coach.”

Tumapos ang Fuel Masters sa preseason tournament na may markang 2-1.

Kasabay ng ginagawa niyang adjustment, umaasa si Alas na sasabayan siya ng kanyang mga players sa pag-a-adjust naman sa kanyang defense-oriented system na gusto niyang ma-adapt ng team.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We still have to make a lot of adjustments kasi yung last three weeks and dami naming in-incorporate sa depensa namin. And parang nakalimutan namin lahat yung pinag-aralan namin,” paliwanag ni Alas.

Bukod sa depensa, marami pa rin aniya silang dapat na baguhin at itamang nakagawiang hindi magandang habit ng Fuel Masters.

“Madami pa nga kaming breakdowns and may mga ginagawa pa kami na hindi namin dapat gawin,” wika pa ni Alas. “Minsan mga veterans ko pa yung gumagawa.So talagang adjustment period pa rin kami.” - Marivic Awitan