Patay ang isang 4-anyos na Koreano nang mahulog mula sa ika-39 na palapag na condominium unit sa Taguig City kahapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang biktima na si Kim Do Young, pansamantalang nanunuluyan sa Two Serendra, Bonifacio Global City, Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa inisyal na ulat, naganap ang aksidente sa Two Serendra, BGC, Fort Bonifacio ng lungsod, bandang 12:05 ng tanghali.

Napag-alaman na nasa ika-39 na palapag ng naturang condominium building ang bata nang mahulog.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Hindi binanggit sa report kung naglalaro ang biktima at kung sino ang kasama nito nang mangyari ang aksidente.

Isinugod ang biktima sa St. Lukes Hospital sa BGC, ngunit hindi na ito umabot nang buhay dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng Taguig City Police sa insidente. - Bella Gamotea