NASA Amerika na si NABF Super flyweight champion Aston Palicte at ang buong delegasyon para makapaghanda sa title defense kay Mexican Jose Alfredo Rodriguez.

Kasamang dumating ng pambato ng Cebu City sa Austin, Texas sina trainer Rodel Mayol, assistant trainer Ernel Fontanilla at cutman.

Nakatakda ang laban sa Biyernes (Sabado sa Manila) sa Round Rock, Texas.

Nakopo ni Palicte, 23-2-0 na may 19KO record, ang NABF title sa nakalipas na taon via split decision kontra sa noo’y undefeated na si Oscar Cantu ng Kingsville, Texas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay Mayol, kondisyon si Palicte.

“He is all set to go and with a very light workout tomorrow morning, he should hit the weight limit in time for the weigh-in with no problem at all,” sambit ni Mayol.

Sa kasalukuyan, No.2 contender si Palicte kay super-flyweight behind Rex Tso ng China at kay BO title-holder Naoya Inoueng Japan. Sakaling manalo, tiyak na ang laban niya sa dalawang fighter.

“Handa na po ako at ibibigay ko ang lahat para manalo tayo,” pahayag ni Palicte.