Ni ROMMEL P. TABBAD

Mareresolba na ang kinakaharap na krisis ng Land Transportation Office (LTO) sa isyu ng plaka ng mga sasakyan sa bansa.

Ito ang tiniyak kahapon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante nang i-award ng ahensiya ang kontratang aabot sa halos P1 bilyon sa isang pribadong contractor nitong Disyembre 1.

Kahapon, sinabi ni Delgra na inaasahang mailalabas ang paunang delivery ng mga plaka sa Marso 2018, sa pamamagitan ng winning bidder na Trojan Computer Forms Manufacturing Corporation at J.H. Tonnjes E.A.S.T. GmbH & Co. KG Joint Venture.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Amidst the perception that the agency is not moving forward with the supply of license plates, the LTO chief, Assistant Secretary Edgar Galvante, is on top of the situation and is proceeding with the procurement of license plates with dispatch and in accordance with existing procurement laws,” saad sa pahayag ng LTO.

Inilabas ni Galvante ang pahayag kasunod ng pagbatikos sa kanya ni House Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa umano’y mabagal na supply mga plaka ng mga sasakyan.

Matatandaang sa isang pahayag sa media nitong Miyerkules ay sinabi ni Alvarez na dapat na nagbibitiw na lang sa tungkulin si Delgra kung hindi nito maresolba ang problema sa mga plaka.