ADELAIDE, Australia – Nagbabanta ang Philippines softball team na mawalis ang elimination round ng 10th Pacific Schools Games sa Adelaide Shores, West Beach dito.

softball copy

Pinangangasiwaan ng Department of Education (DepEd) at Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Commissioner Charles Raymond Maxey, naungusan ng Pinay softbelles ang West Australia, 4-3, Martes ng umaga (Miyerkules sa Manila).

Sa pagbabalik ng aksiyon kinahapunan, binokya ng Philippines ang Queensland, 8-0, para makopo ang solong pangunguna sa eight-team field. Huling makakalaro ng Pinay sa pagtatapos ng elimination ang Australian Capital Territory (ACT) sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Our players are the smallest in the event as they have tall opponents here. But they have big fighting hearts and if they play with the same intensity in the next succeding games they have a huge chance of winning the gold,” pahayag ni Maxey sa kanyang mensahe sa Facebook.

Sinimulan ng PH softbelles, pinangangasiwaan ni coach Russel Hulleza at binubuo ng mga estudyante mula sa Negros Occidental, Makati at Bulacan, ang kampanya sa dominanteng pamamaraan nang bokyain ang host South Australia, 6-0, at India 16-0.

Winalis din nila ang New South Wales, 1-0m at Victoria, 5-1, nitong Lunes.

Pinangunahan ang koponan, binubuo ng karamihan sa player na bahagi ng matagumpay na silver medal finish sa World Little League series, ni Glory Alonzo, pambato ng Domingo Lacson National High School sa Bacolod, sa matikas na strike out laban sa pitong batters ng South Australia.

Hataw naman sina Madaylene Dumaug at catcher Chastine Jover sa naitalang home run laban sa India.