Ni REGGEE BONOAN

INALAM namin sa panayam namin sa producer ng Quantum Films na si Atty. Joji Alonso kung totoo ang tsikang hindi pa tapos ang shooting ng All of You at si Derek Ramsay raw ang cause of delay?

echo copy

“Ay, wala at all, not at all. Maybe because we have mutual respect and he knows, I mean business and I am his lawyer so I will kill him, ha-ha-ha,” masayang sagot ni Atty. Joji.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Tinanong din namin ang Globe Studio head na si Direk Quark Henares, isa sa co-producers ng All of You, kung tapos na ang shooting ng pelikula nina Derek at Jennylyn Mercado.

“Yes, tapos na tapos na at na-edit na rin, ang ganda nga,” sabi sagot nito.

Nabanggit ni Atty. Joji na sa mga pelikula ni Jennylyn sa kanya (nauna na ang English Only, Please at Walang Forever), “Among the three films Jennylyn has done for Quantum, ito ‘yung pinakagusto ko, gusto ko at panoorin n’yo na lang kasi napaka-relatable. Hindi dahil sa maraming bed scenes, it’s a slice of life, it’s really what’s happening now. Hindi siya put-up, walang echos, basta panoorin n’yo,” kuwento ng producer.

Nagiging paborito na yata ng Quantum producer ang Taiwan dahil nag-shoot ulit sila sa Toufen. 

“Doon kasi nag-meet sila (Derek at Jen),” pag-amin ng produ. “Mababait kasi ang mga tao ro’n at saka may co-producer na kami ro’n. May producer kaming counter-part doon na nakatrabaho na namin doon, so nagiging mas madaling mag-work for us,” sabi sa amin.

May galit o sama ng loob ba siya kay Jericho Rosales na umatras bilang leading man ni Jennylyn sa All of You?

“Bakit naman ako magagalit kay Echo? I respect his choice. He has his own reason for it, alam ko talaga na may gagawin siyang project abroad during that time, he was in and out of the country, so kami rin ang maiipit if we could not start on time.

“We talked to his management and umoo naman siya to do a movie with us, so kung sino ang nauna, hindi ko alam. Hindi ko masasagot sa timing ng pag-accept niya sa Siargao at sa amin,” sagot sa amin.

“I haven’t seen him (Jericho) since then, but he texted me and sorry for what happened and okay naman kami. Si Echo naman ay hindi naman bago na sa akin. We worked together (Walang Forever) 2015, so wala naman.

“Ako kasi, Reggs, ‘pag mga ganyang changes and all (let go) na. Parang JM (de Guzman) lang din, di ba? Nakapag-shoot na nga kami ‘tapos hindi natuloy, so okay lang,” paliwanag ng producer.

Nabanggit si JM na siya namang pinalitan noon ni Echo sa Walang Forever na hindi natapos ng una dahil pumasok na ito sa rehabilitaton center.

At naikuwento rin sa amin ni Atty. Joji na noong announcement ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival ay nilapitan siya ni Direk Paul Soriano, direktor at producer ng Siargao.

“Lumapit sa akin si Direk Paul, bumati siya sa akin at na-appreciate ko ‘yun, sabi niya, ‘hi attorney...’ ‘tapos nag-hug at beso-beso. If there’s anything I learned, matanda na ako for all of that. Ano lang, everybody happy kasi ano naman ang mapapala ko kung may sama ako ng loob, saka walang dahilan,” masayang sabi niya.

Mapapanood na ang All of You simula sa December 25 mula sa direksiyon ni Dan Villegas produced ng Quantum, MJM Production, Globe Studios at Planet A Media na sister company ng Quantum.

Kasama rin sa pelikula sina Via Antonio, Hannah Ledesma, Solenn Heusaff, Yayo Aguila, Nico Antonio, Kean Cipriano, Milo Elmido at iba pa.