Ni NORA CALDERON

NO other than Mr. Antonio P. Tuviera, CEO ng TAPE, Inc., ang nakausap ng AlDub Nation na muling nag-ipun-ipon last Saturday sa Broadway Centrum. 

Maine at alden copy

Gusto kasi nilang malaman kung totoo ang mga kumakalat na balitang paghihiwalayin na ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ayon kay @jeanenriquez, sinabi ni Mr. T. na hindi mawawala ang AlDub at may gagawin silang pelikula pagbalik ni Maine mula sa bakasyon nito sa Amerika.

Sinamantala na ni Maine ang Christmas break ng Eat Bulaga at humingi na siya ng mahaba-habang bakasyon. Since pumasok siya sa showbiz, more than two years ago, once a year lamang siya nakakapagbakasyon ng three days. Una, nang manood siya ng Coldplay sa Los Angeles kasama ang sister niyang si Coleen at ang pangalawa, sila pa rin ni Coleen sa Maldives naman. 

Iyong iba, kapag may sama-samang bakasyon lang ang Dabarkads ng Eat Bulaga, like sa Hong Kong noong 2016 at sa Japan ngayong 2017, na sumunod na lang si Alden dahil may tinapos munang commitment.

This week bukod sa live, magti-taping ang EB para sa Christmas vacation ng show, but since nagbakasyon na nga si Maine, hindi na siya mapapanood sa buong December. Balitang susunod na lamang sa kanila ng nanay niya ang iba pang members ng family tulad ng nakaugalian na nila taun-taon tuwing Christmas at bumabalik sila bago ang New Year. 

  Hanggang sa December 16 na lamang ang live presentation ng noontime show.

Samantala, tuluy-tuloy lang ang trabaho ni Alden na two or three events ang pinupuntahan niya kada araw.Siya ngayon ang kasama ng JoWaPao sa sugod-bahay ng “Juan For All All For Juan” segment. Kaya noong Saturday, after ng EB technical rehearsal muna siya ngSunday Pinasaya at pagkatapos dumalo siya sa annual Christmas party ng Kababaihang Kakaiba sa Mandaluyong City na dinaluhan ng libu-libo katao.

Sunday morning naman, maaga si Alden sa McKinley West sa BGC para sa McDo Fun Run. “I’m running to help more kids read,” sabi ng binata. Ang kinita sa fun run ay gagamitin para sa advocacy ng food chain sa youths.From there, takbo na si Alden para sa live presentation nila ng SPSPuso ng Pasko.

Tatapusin muna niya ang commitments niya this December, bago magbakasyon sa Japan kasama ang kanyang buong pamilya na ngayon lamang mangyayari simula nang pasukin niya ang showbiz noong December 8, 2010. 

Seven years na siyang nagbibigay ng saya sa fans.